Tuesday, 27 October 2009

  • Posted by clairemarcelo

    Famday 09

    Ang late ko na pala magkkwento ng family day experience ko. Mygahd, parang kailangan lang. Ako yung nakaiwan ng costume ni Tris sa bahay (dahil iniwan niya sa court the night before). Parang kailangan lang, kami yung nanalo (Oo, proud pa din ako)

    Anyway, dapat magpupunta na ako ng school nung umaga. Pero kasi may kinailangan akong aralin. HAHA. Yess. So habang tirik na tirik ang araw, pumunta na ako ng LaSalle para sa CWTS. Yun na ang pinakamahabang 2 hours and 30 minutes ng buhay ko. Nagcheck lang kami ng attendance at pinakita niya lang ung ppt ng mga problema sa Pilipinas. After ng lahat, nagmamadali akong maka-uwi para makadating ako ng STC agad.

    So sakto pagdating ko nakapila na ang pamilya sa flying fiesta. So excited kami at lahat kasi masaya DAPAT yun. Pero, nakakahilo lang pala sya. =)) Parang umiikot ka lang mag-isa.

    11643_144879604363_518394363_2283452_7040388_n

    Sayang, di ko na naabutan sila Abbey at Tin :(

    After noon dahil super haba ng pila sa dolphin, bumili muna kami ni Mika ng food. Kasi medyo 11 ung huling kain ko, mga 4:30 na noon. Nung asa pila na kami, dumami na kaming IV5 na nandoon kaya ang saya =)) Infairness, natuwa talaga ako sa ride. Ito kasi ung ride na dapat sasakyan namin ulit nung LSGH fair last year, pero sinarhan niya kami.

    Dahil gusto pa namin ng second round, naghanap kami ni Mika ng tickets pero wala na. So free na yung second round namin. >:) Ang lakas talaga ni Joan kay kuya. Nung third round medyo nakahalata na sila na nanadya na kami, kaya pinagbayad nalang nila kami ng 20 pesos, diba. Half the price pa din.

    After ng lahat =)) Nakita namin si Ms. Joam. At ayun, nagchikahan kami tungkol sa earrings niya, BF niya at PBB =)) Mygahd, ang saya kasi parang super casual mo lang sya kausap. Tapos nagets pa niya agad yung gusto ko laitin =))) KBYE.

    Ng kaming apat na lang nila Rona, Mika at Meg ang natira. Nireminisce namin ung ex ni Rona, si Champ =)))))))) At pinagtanggol namin ni Meg si Clint at marami pang iba.

    NAKAKAMISS :( Parang ang simple ng lahat noon. Kanina tuloy, habang nagdownload ako ng kanta. Naalala ko yung Superhuman na sooooobrang gasgas na. =))

    Since sembreak niyong lahat. Bisitahin niyo kami dito ah.

    ----------

     

Sunday, 27 September 2009

  • Posted by clairemarcelo

    Ondoy is bad :\

    PINAINIT NG LASALLE ANG ULO KO KAHAPON

    Dahil maaga ako parati gumigising kahit na 1 pa yung pasok ko, nagOL ako ng mga 7:00 am. Mga 8:00 ready na ako pumasok. Tapos tsaka ko lang napansin na todo todo na pala ung ulan. Sooo nagsimula na kaming mag-ekruh ng mga blockmates ko.

    Merong textline ang LaSalle kung saan i-announce kung may pasok or wala. Tinext ko yun. AT ALAM MO NIREPLY NILA?! Nireply nila sa akin ang guidelines ng suspension. ALAM MO YUNG HINDI YUN UNG KAILANGAN. Ang gusto kong sagot meron ba or walaaaa.

    So tumawag na ako sa LaSalle.

    Ako: May paso~
    Babae sa linya: Classes are still going on
    Ako: Eh ung CWTS po mamaya?
    Babae sa linya:  I have no idea
    Ako: Paano po nam~
    Babae sa linya: I have no idea

    ALAM MO YUNG BASTUSAN? SYA TALAGA YUN. So tumawag ako sa Office of the Mayor. Sosyal eh, you know. Me and Mayor Lim are close =))))))) PERO WALANG SUMASAGOT. Isa pa silaaaa.

    So tumawag ako ulit sa LaSalle

    Ako: May pasok pa ba? [Oo, bastusan na.]
    Babae: Uhmm, wala pa pong announcement. Nagmo-monitor pa
    Ako: Nagmomonitor? Eh baha na sa buong Maynila.
    Babae: Wala pa pong announcement

    AT YUN. HINAYUPAK NA YAN. Buti na lang may Student Council. Sila ang nagbigay ng liwanag.

    Nung akala ko okay na ang lahat. Tsaka ko lang narealize na sandamakmak na tao pala ang stranded sa may Taft. Kasama na si Meg at ang nanay ko.

    Bandang mga 4:00 nawalan na kami ng kuryente, at ngayon lang kami nagkaroon. Jusko, tinulog ko na lang lahat. AS IN. Parang pag-gising ko, matutulog ulit ako after ilang minutes =)))))))))))))))

    BUTI NAMAN WALANG PASOK BUKAS.

    ----------

Wednesday, 23 September 2009

  • Posted by clairemarcelo

    Hi blog! I miss you >:D<

    Gusto ko lang i-share sa inyo ung mga ginagawa namin sa Critical Thinking. Mga ganito

    Brothers and sisters I have none, but this man's father is my father's son

    Who is this man?

    So ung sinagot ko His father, pero mali yun. Napressure kasi ako, kasi lahat sila angsusubmit na ng papel. Tas ako naka-upo lang. Lenchak talaga. Pagka-upo ko at pagkareflect ko pa ng konti, naisip ko na ang sagot ay His son.

    Pero, para masaya may mga bonggang sagot ung ibang tao. Syempre normal na sagot ung father, grandfather, nephew blah blah. Pero ang mga bongga ung ang sagot

    His brother - ang kulit eh noh, brothers and sisters I have none nga eh =)))

    Step-brother - Ito. Ito ung masyadong nag-iisip. May kwento na at issue ung pamilya nila =))))

    At para sa pinakamasayang sagot

    Jesus Christ - Oonga naman, wag ka magulo. =)))

    BENTAAA =))))))))))))))))

    Soccer ko na bukas, AJA.

    ----------